The Truth About Love: Isang Sampal sa Katotohan

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong sabihin sa kanya, bali-baliktarin mo man totoo parin. And labo diba? Pero ang linaw.

loveMasaya magmahal.
Malungkot magmahal.
Masakit magmahal.

Pero okey lang.
Leche! ano ba talaga?

Dati sabi mo:

Love is only for stupid people.

Nakakatawa kasi parang laude ang standing mo, pero dumating ang panahon na nain-love ka rin. At ayun ngayon, tanga ka narin.

Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya minsan, moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya.

Lahat ng malalakas na tao–humihina.
Ang mayayabangnagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam–nagiging Mother Teresa.
Ang mga henyo–nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot–sumasaya.
Ang matitigas–lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas naman ay malambot 😉 )

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talagang magmahal. Pansin ko sa mga kaibigan ko. Parang kung gusto mo lang main-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko ng main-love!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar, nagpapa-asar ka naman.

Diba nakakatawa din na pagdating sa problema ng ibang tao ang galing-galing mo. Pero kapag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namoblemang tao. Palagi mong sinasabi na “Sige! kung ayaw mong magpapigil, bahala ka! Magpakasaya ka! Pero huwag kang iiyak-iyak sa akin pagkatapos, dahil tatadyakan kita!”

Ngayon ikaw na ang sinasabihan.
Ngayon ikaw na ang umiiyak.

Naisip mo wala namang mali dun sa sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama ngayong ikaw na ang nasa kalagayan nila?

Pansin ko din bali-baliktad din ang sinasabi ng mga taong in-love, ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. Ganito yun:

“Ngayon ko lang nalaman ganito pala! Sabi ko na eh!” (akala ko ba ngaun lang?)

“Ang sarap mabuhay! Pwede na akong mamatay! Now na!” (ha?! akala ko ba gusto pang mabuhay?)

At hindi lang yun, ang sarap ding pagtawanan nang mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh nagpapatihulog parin sa bangin ng pag-ibig. Tapos pag luray-luray na yung puso nila, syempre hindi sila ang may kasalanan. SIYA!

“Bakit niya ako sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yun, at pagbagsak ng pinto.

Pero naisip ko, diba dalawa sila sa isang relasyon kaya maaaring may kasalan silang pareho. It takes two to tango nga diba? At kung masasaktan din lang sila dapat naman kailangang sigurado sila. Hindi yung basta pasok na lang.

When you take a RISK dapat WORTH it. Sana nga ganoon ang ginawa mo. Sana hindi ka nagkamaling sumugal.

Mauubos ang buong oras ko sa kakasabi ng mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang daming beses ko na kasing nakita yan sa mga taong nakapaligid sa akin kaya parang alam ko na. Pero sa totoo lang, “wala rin akong alam”.

Pero ang pinaka-nakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gustong magpatawa ng pag-ibig ipusta mo man ang lahat ng ari-arian mo hindi mababago ang katotohanang ikaw ang punchline.

Nakakatawa. Nakakaiyak.

Dati ikaw ang iniiyakan, ngayon ikaw na ang umiiyak.
Dati ikaw ang nagpapatahan, ngayon ikaw na ang pinapatahan.
Dati ikaw ang nagtatanong ng mga katagang “Bakit mo ba ‘yon mahal?”, ngayon ikaw na ang tinatanong nun.
At wow, ngayon alam mo na ang nararamdaman nila. Wala kang mahanap na sagot.
Buti pa sa physics pwedeng manghula ng formula, pwedeng mangopya ng sagot sa katabi. Pwedeng paglaruan ang solution may partial points ka pa. Eh sa tanong na ‘yon?

Somehow gusto mo madisconnect na lang bigla.
Maubusan ng load.
Masabugan ng PC.
Mag-brown-out.
Biglang magcollapes.
Umiyak.
Malunod.
Maging ipis.
Uminom ng ethyl alcohol o kaya lason.
Mabagsakan ng asteroid.
Maglahong parang bula.

Kasi tama yung sinasabi nila.
Kahit sabihin mong walang kwenta, mahal mo–sobra.
Ang hirap intindihin.

Tama nga yung kasibihan na…

 

Source: Unknown. This had been going on around the net since 2008. I just want to share.
Content is not mine. Credit is to the original owner of this post.

You might also like

My Final Goodbye to the Past

Forgive and Forget

Perplexed

On My Way To Recovery

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s